Rizal Philippines
May 20, 2017
Primer on RA 10913
Maraming nalito sa unang araw ng pagpapatupad ng RA 10913, Anti Distracted Driving law, na nagbabawal ng paggamit ng cellphone sa pagtawag text, games habang nagmamaneho. Exempted ang may hands free driving o ginagamit ang cp sa navigation lalo na Uber or Grab Taxi.
Bawal din (nasa batas pa ba ito) lahat ng maaaring makalito sa pagmamaneho: signage sa jeep, mga poon pabilitin, mga aso na naglilimita ng line of sight.
Subalit may kalituhan sa unang araw ng pagpapatupad noong May 18, 2017. Sabi ng iba di natupad ang information campaign na nasasaad sa batas. Subalit nag lapse na ito na hindi nagagawa ang huli. Ang batas ay batas.
Sabi ng iba, ito ay pagkakataon para mangotong na naman ang mga traffic enforcer. Ano pa ang bago. Ang mga senador ay humihiling na reviewihin ang IRR ng nasabing batas
Ang mga motorista ay nalilito sa mga anunsiyo ng LTO at DOTR. Isa sa mga pinagtatalunan ay ang paggamit ng apps sa navigation gaya ng Waze at paglalagyan ng cellphone na ginagamit para sa apps
From Philstar - Senators call for review of IRR of RA 10913