Ang isan ideayang nilalabanan ng mga aktibista ay ang mindset systemang feudal, ie may patron na nanganalaga sa kapakanan ng mga nasasakupan. At ang mga nasasakupan ay naniniwala na walang mangyayari sa kanila kung hindi sila kakapit sa patron: landlord, politiko o sino pa man.
Kaya lang ang sistemang ito, at pag iisip na ito ay nagresulta ng:
1. Ang lahat ng pangangailanangan ng mga tao: panganganak, edukasyon ay sagot, katungkulan
ng landlord, ng gobyerno: kaya libreng gamot, health care, edukasyon at lahat
2. Ang mga tao ay naging dependiyente sa mga amo nila. Kaya nga malaking event ang eleksyon:
Kung sino panalo may trabaho, may kontrata
3. Kaya pagkatapos ng eleksyon bayaran ng political debts, utang na loob para mabayaran ang
ginastos sa eleksyon. Ang eleksyon ay maipapanalo lang kung kumpleto sa bala, tauhan at
pera. Ang mga lords ay may mga sponsor - ninong na babawi matapos ang eleksyon
4. Dahil malaki ang stakes, tumutubo kandidato at padrino nila, ito ay ginigirian at pinag aambisyunan
ng marami. Nagkakaroon tuloy ng away gulo hangganng patayan. Gaya ng nangyari sa mga
pagpatay ng mga opisyal sa La Union, CDO (taga Bukidnon) at Daraga Albay (Batocabe)
Mga patayan bago magpasko mula sa ABS CBN
Rep Rodel Batocabe ng AKO Partylist, pinatay sa Daraga Albay matapos senior citizen gift giving
Unang congressman na nadedo sa ilalim ng Du30 admin